Walang seryosong banta sa seguridad ng unang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Lunes, July 25.
Ayon ito kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo bagama’t tuluy-tuloy ang pag-monitor ng kanilang intelligence team at iba pang ahensya ng gobyerno sa posibleng pagtatangkang guluhin ang SONA.
Kasabay nito, sinabi ni Fajardo na hindi nila ikinukunsider ang pagpapatupad ng signal jamming sa kasagsagan ng SONA subalit nakadepende pa rin ito sa takbo ng seguridad at threat assessment sa mismong araw ng SONA.
Mahigit 21 libong pulis aniya ang ipapakalat nila sa Lunes.