Ikinaaalarma ng PNP Women and Child Protection ang dumaraming kabataang nasasangkot sa iligal na droga.
Sa datos ng PNP noong 2015, pumalo sa mahigit Tatalong Daang kabataan ang nahuli dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Dangerous Drugs Act.
Samantala, mula Enero hanggang Mayo ng 2016, umabot na sa Isang Daang bata ang nasangkot sa iligal na droga.
Ang paglabag sa Republic Act 9165 ang panglimang krimen na kadalasang kisasangkutan ng mga kabataan.
Nagunguna pa rin sa listahan ng PNP ang theft, physical injuries, robbery, at rape.
Ayon kay PNP Women and Child Protection Director Chief Superintendent Rosauro Acio, wala naman silang magagawa kundi i-turn over sa DSWD kung 15 anyos pababa ang nakagagawa ng krimen.
Isa pa sa nagiging problema ng ahensya ang kakulangan nila nang pasilidad na paglalagyan ng mga bata tulad ng rehabilitation center lalo nat sinabi ng NGO na Visayan Forum na 30 percent sa mga batang nare-rescue nila ay pawang lango sa ipinagbabawal na gamot.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal