Hawak na ng PNP ang hursidiksyon sa dalawang police training institutes.
Opisyal nang inilipat sa PNP ang Philippine National Police Academy (PNPA) mula sa Philippine Public Safety College sa isang seremonya sa Campo Castanieda sa Silang, Cavite.
Nakatakda namang i-take over ng PNP ang National Police Training Institute (NPTI) sa Calamba, Laguna sa October 7.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang hakbang ay para mas mapaigting pa ang police training at magkaroon ng mas maayos na kalidad ng mga pulis.
Sinabi ni Albayalde na panahon na para kunin nila ang responsibilidad para sa training ng police officers para makapag produce ng mas epektibo at disiplinadong law enforcers.
Ang PNPA ay pangunahing pinananggagalingan ng commissioned officers ng PNP at nag-aalok ng apat na taong cadetship baccalaureate program hinggil sa public safety samantalang ang NPTI ay nag-aalok naman ng basic training para sa police recruits ng PNP at iba pang mandatory training courses.