Nakatakdang sumabak sa puspusang training sa Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) ang valedictorian ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 2018 na si Cadet Fritz John Napalinga Vallador.
Sinabi ni Nelia Deocares, foster parent ni Vallador na mismong si PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang nag-utos sa kadete na sumabak sa elite force ng PNP.
Ayon kay Deocares, siyam na taong gulang pa lamang si Vallador nang simulang alagaan ito.
Nabatid na ang ina ni Vallador ay nagtatrabaho sa Spain at hindi makakauwi para saksihan sana ang graduation ng anak ngayong araw na ito samantalang ang ama nito ay hindi pa niya nakita sa buong buhay niya.
106 na kadete, nagsipagtapos ngayong araw sa PNPA
Nagtapos na ngayong araw ang may 106 na kadete ng Philippine National Police Academy.
Pinangunahan nina Pangulong Rodrigo Duterte at PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang graduation rites ng PNPA “MARAGTAS” o “Magiting at Responsableng Alagad ng Batas na Gagabay sa Transpormasyong alay sa Bayang Sinilangan” Class of 2018.
Nanguna ngayong taon ang tubong Negros Occidental na si Fritz John Vallador.
Bilang top notcher, tinanggap ni Vallador ang President Kampilan Award at Plaque of Merit mula kay Pangulong Duterte habang isa pang Kampilan Award mula kay Dela Rosa.
Napuno ng pasasalamat ang talumpati ni Vallador na ipinagmalaki ang kanyang buhay bilang isang probinsyano at anak ng isang domestic helper.
Si Vallador ay laki sa kanyang mga lolo’t lola na hindi na nakilala pa ang kanyang ama.
Dahil sa kahirapan, siya ay kinupkop ng isang pamilya na nag-paaral sa kanya.
My life was changed noong ako po ay kinupkop ng isang pamilya sa Cabancalan City, pinaubaya po ako ng aking lola sa kanila sa kadahilanang mahirap talaga ang buhay. May tatlo po silang anak, at ako na po ang naging pang-apat, si Tita Nelia at Tito Edwin ang nagsilbing magulang at nag-aruga sa akin hanggang sa makatungtong ako ng kolehiyo. Pahayag ni Vallador
Pinasalamatan din ni Vallador si Pangulong Duterte dahil sa suporta nito sa pambansang pulisya.
Sa ating mahal na pangulo, hindi po matatawaran ang sakripisyong inilaan mo para sa ating bansa. Asahan po ninyo na ang PNPA Class of 2018 ay kaagapay ninyo tungo sa matatag, maginhawa at panatag na pamilyang Pilipino. Ani Vallador
Kasabay nito, tiniyak ni Vallador na makakaasa ang sambayanang Pilipino na gagawin nila ang kanilang tungkulin ng may buong integridad bilang mga bagong graduate ng PNPA.
The vision of this higher education institution, the three virtues of justice, integrity and service has been successfully incorporated to our body and souls that I am confident we shall forever highlight throughout our professional careers. For me, justice is the simply the virtue that promotes fair play, it is to reward the good and to punish the evil. Integrity is not only pure honesty, but keeping up the ethical standards through time. Panghuli ni Vallador