Inilunsad ng Portuguese National Post Office (PNPO) ang tatlong special edition stamps bilang paggunita sa ika-500 anibersaryo ng pagdating sa bansa ni Portuguese Navigator Ferdinand Magellan.
Inilalarawan ng tatlong special edition stamps ang kasaysayan hinggil sa paglalayag ni Magellan patungong Pilipinas.
Makikita sa stamps ang winning artwork ni Filipino Artist Bernardo Maac na tinaguriang Presentation of the Icon na nanalo sa Quincentennial Art Competition ng Philippine National Quincentennial Comittee na 2.50 Portugal Euro Stamp, imahe ng Sto Niño De Cebu na One Portugal Euro at iconic image ng Magellan’s Cross sa Cebu City – .54 Euro Stamp.
Ang paglalabas ng nasabing special edition stamps ay proyekto ng CTT Correios De Portugal, Estrutura De Missao Para As Comemoracoes Do V Centenario De Fernao De Magalhaes (EMCFM) – ang portuguese counterpart ng National Quincentennial Committee ng Pilipinas at Philippine Embassy sa Lisbon.