Kumpiyansa ang Philippine National Police o PNP na agad ding mahahatulan ng korte si P/Msgt. Hensie Zinampan na nasangkot din sa pamamaril at pagpatay sa isang ginang sa Quezon City.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ay kasunod ng hatol ng Paniqui, Tarlac Regional Trial Court na dalawang habang buhay na pagkakabilanggo kay dating P/MSgt. Jonel Nuezca.
Ayon kay Eleazar, tulad ni Nuezca ay walang puwang sa kanilang hanay si Zinampan at kahit sinong pinuno aniya ng PNP ay hindi kukonsintihin ang ganitong gawain ng kanilang mga tauhan.
Kaya binigyang diin ng PNP Chief na magsilbing babala ang mga kaso nila Nuezca at Zinampan sa mga Pulis na dapat sila ay maging tagapagtanggol at tagapaglingkod, hindi mga siga at pasaway.— ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)