Muling binuksan ng Philippine National Railways ang Calamba-Lucena line nito.
Isinagawa ito ilang oras matapos saksihan ni Pangulong Bongbong Marcos ang paglagda sa kontrata ng apat na north-south commuter railway projects.
Umarangkada ang unang biyahe ng rutang Calamba-Lucena ala sais y medya kagabi.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, hindi lang turismo ang mabibigyang kulay sa muling pag-arangkada ng Calamba-Lucena route.
Mas magiging mabilis at komportable rin anya ang biyahe ng mga galing at patungong Laguna at Quezon kasabay ng mabilis na pag-usad ng ekonomiya ng bansa.
Tuwing alas kwatro singkwenta ng umaga ang unang biyahe mula Lucena station habang ala sais y medya ng gabi ang last trip mula Calamba station.
Kinse pesos ang minimum fare mula Lucena hanggang san pablo habang bente pesos kung hanggang Calamba.