Sisimulan na ng Department of Transportation o DOTr sa susunod na taon ang konstruksyon ng PNR Phase 1 na mag-uugnay sa Tutuban sa Tondo, Maynila patungo ng Malolos, Bulacan.
Ayon kay DOTr Assistant Secretray for Railways Timothy Batan, nilagdaan na ng DOTr at Japan International Cooperation Agency o JICA ang kontrata para sa kontruksyon at bidding process ng 38-kilometer railway ng PNR-1.
Sinabi naman ni Philippine National Railway General Manager Jun Magno, na bagong train system ang gagamitin mula sa Tutuban sa Maynila hanggang Bulacan.
Kumpiyansa ang DOTr na sa 2020 ay magagamit at mapapakinabangan na ng publiko ang nasabing proyekto.
—-