Kinansela ng Philippine National Railways (PNR) ang kanilang byahe ngayong araw para inspeksyunin ang mga truck at tulay kasunod na pananalasa ng Bagyong Paeng.
Inanunsyo ng PNR sa kanilang Facebook post na pansamantalang kanselado ang mga byahe upang masiguro ang kaligtasan ng mga mananakay.
Matatandaang noong Sabado, kinansela rin ng PNR ang mga biyahe simula alas-9 ng umaga bunsod ng masamang panahon.
Asahan namang maglalabas ng update ang PNR sa mga susunod na araw. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon