Pinaghahandaan na ng ilang railway sa Luzon sakaling ilagay sa modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila.
Ito’y sa inaasahang pagdami ng bilang ng pasaherong sumasakay sa tren sa oras na luwagan na ang quarantine restriction sa kalakhang Maynila.
Ayon kay Philippine National Railways General Manager Junn Magno, mahigpit na ipatutupad ang physical distancing at health protocols at mapapanatili ang kalinisan ng tren.
Sisikapin din nila umano mapanatili ang record na walang mahahawaan ng COVID-19 sa loob ng kanilang mga tren.