Pinaigting na rin ng Philippine National Railways (PNR) ang kanilang mga protocol laban sa banta ng COVID-19.
Ayon kay Joseline Geronimo, tagapagsalita ng PNR, kabilang sa ipatutupad na bagong sistema nila ay ang pagsasagawa ng thermal screening o pag-che-check ng body temperature sa lahat ng mga pasahero bago makapasok sa mga istasyon.
Sinumang pasahero aniya na makikitaan ng body temperature na mas mataas sa 38 degrees celsius ay hindi papayagang makasakay sa tren.
Naglatag na rin aniya sila ng mga alcohol station sa bawat istasyon para magamit ng mga pasahero at ng mga empleyado.
Puspusan din aniya ang kanilang isinasagawang disinfection sa lahat ng mga tren bilang bahagi ng kanilang protocol.
Dagdag pa ni Geronimo, inaasahang magtatagal ang mga naturang procedure ng 15 minuto at gagawin sa mga tren pagkatapos na bawat ikot ng biyahe.
Isasagawa ang procedures sa PNR stations sa Tutuban, Governor Pascual at Naga.