Pinag-aaralan na ng Philippine National Railways (PNR) ang paglalagay ng dash cams sa kanilang mga tren.
Ito ay kasunod na rin ng naitatalang insidente ng pamamato sa mga tren ng PNR na nagdudulot ng pinsala sa mga ito at nakapaglalagay sa panganib sa kanilang mga pasahero.
Ayon kay PNR General Manager Jun Magno, isa sa kanilang mga pinag-aaralan ang paglalagay ng dash cam para mamonitor at mairekord ang biyahe ng kanilang mga tren.
Sinabi pa ni Magno, magagamit din ang kuha ng mga dash cam para matunton at paghuli sa mga namamato.
Maliban dito, plano na rin anilang palitan ng mga polycarbonate na salamin ang windshield at mga bintana ng kanilang mga lumang tren.