Aabot sa 600 mga doktor ang ide-deploy ng Philippine National Red Cross para sa National Vaccination Drive na isasagawa simula ngayong araw.
Sinabi ng PRC na ang mga doktor ang itatalagang vaccinators at mga ambulance team leader sa tatlong araw na ”Bayanihan, Bakunahan”.
Bukod dito, tutulong din ang Red Cross sa screening, monitoring, registration at crowd control.
Target rin ng PRC na makapag-turok ng mahigit 53,000 doses ng covid-19 vaccines sa kanilang 47 chapters sa buong Pilipinas. —sa panulat ni Hya Ludivico