Dumistanya ang Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA) sa pagkakahuli sa daan-daang puting de metrong mga taxi dahil sa overpricing at pangongontrata.
Ayon kay Bong Suntay, Pangulo ng PNTOA, mayroong sistema ng pagdisiplina ang kanilang samahan sa mga umaabusong driver.
Tila may paninisi si Suntay dahil pinayagan aniya ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na makapasok sa lahat ng terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para mag pick-up ang pasahero ang lahat ng klase ng taxi.
Ibinunyag pa ni Suntay ang aniya’y pagpabor ng mga guide sa NAIA sa ilang mga taxi na pumipick-up ng pasahero.
Una rito, nagbanta ang pamunuan ng MIAA na magpatupad ng total ban sa white metered taxi dahil sa dami ng reklamong natatanggap nila laban sa mga ito.
“May mga dumadating po na mga bisita tayo na pagdating diyan sa MIAA ay wala silang makuhang sasakyan, Secretary Tugade requested na payagan ang mga ordinary white metered taxi na pumarada, ang una kong kinausap diyan ay ‘yung asosasyon namin, at that time ‘yun ang aming gestion na in order to protect them ‘yung mga mananakay is to accredit ‘yung mga responsible taxi operators at sila lang ang papilahin, but later on ang sabi ng MIAA administration, hindi puwede kailangan lahat, kung sino ang gustong pumila ay papilahin natin at sila na nga daw ang magpupulis.” Pahayag ni Suntay
(Ratsada Balita Interview)