Pinaiimbestigahan ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez sa Regional Director ng Negros Island police ang viral video ng isang pulis na ginawang live target ng kanyang opisyal.
Ayon kay Marquez, hindi niya lubos maisip kung ano ang dahilan ng naturang aktibidad na hindi naman kasama sa regular training ng PNP.
Binigyang-diin ni Marquez na kung may ganitong klaseng training ang pambansang pulisya ay para lamang ito sa kanilang mga Special Unit.
Base sa nag-post ng video, nangyari ang insidente sa isang shooting range sa Victorias City sa Negros Occidental kung saan sugatan ang pulis na nakilalang si PO1 Marvin Gustilo matapos barilin at tamaan sa binti ng kanyang opisyal na si Supt. Frederick Mead
By: Meann Tanbio