Aminado ang Philippine Olympic Committee (POC) na mahihirapan ang National Athletes na dipensahan ang Pilipinas para sa Southeast Asian Games.
Ayon kay POC President Abrahamtolentino, malaking hamon sa mga atletang Pinoy ang nasabing kompetisyon lalo na’t nasa gitna parin ng pandemiya ang bansa.
Sinabi ni Tolentino na bukod sa limitado ang galaw ng mga Pilipino, kulang din ang mga training facilities dahil pansamantalang ginamit ng gobyerno ang ilang mga quarantine spaces o mga gym sa bansa.
Bukod pa diyan, wala ding sapat na pondo ang gobyerno para gastusan ang pangangailangan ng mga atleta dahil nakatuon ngayon ang pamahalaan sa pagtugon sa tumataas na bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.
Sa kabila nito, kumpiyansa parin si Tolentino na ang pagpupursige ng mga atleta sa Biennial Meet, ay magbibigay parin sa bansa ng magandang standing. —sa panulat ni Angelica Doctolero