Nagpaabot na ng tulong pinansyal ang Philippine Olympic Committee (POC) sa mga atletang naapektuhan ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa POC, 10 surfers at dalawang coach nila sa Siargao ang binigyan nila ng tig 10,000 pisong tulong pinansyal.
Kabilang sa mga nabigyan ng tulong si Olympic Marathoner Mary Joy Tabala na mula sa Cebu samantalang si John Matthew Carby lamang mula sa 10 surfer ang naka kontak sa POC na tiwalang matatawagan at kaagad matutulungan ang iba pang atletang naapektuhan ng bagyong Odette.