Ikinakasa na ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippines Sports Commission (PSC) ang paghahanda sa pagsabak ng bansa sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa May 5 hanggang 17.
Kasunod na rin ito ng pulong ng mga opisyal ng dalawang ahensya sa pangunguna nina POC President Abraham Bambol Tolentino at PSC Chairman Richard Bachmann.
Isinapinal sa nasabing pulong ang mga atletang Pinoy na lalaban sa halos 50 events ng SEA Games.
Natalakay din ang paglalaan ng P250-M na budget ng PSC para sa SEA Games.