Ikinukonsidera ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang pagpapatupad ng ‘pocket lockdown’ sa mga lugar na may mga kompirmado o mataas na bilang ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, sisimulan na ang mas mahigpit na implementasyon ng quarantine measures bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 cases sa lungsod.
“It has become evident that curfew hours are not effective deterrent for the public to stay at home. I have instructed barangay chairmen to coordinate with PNP Muntinlupa to look into imposing pocket lockdown in their respective areas. Upon their assessment, they can implement tougher quarantine measures to reduce the risks of transmission in their barangays,” ani Fresnedi.
Dahil dito, nanawagan si Fresnedi sa mga Muntinlupeños na huwag nang lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan at sumunod sa mga pinaiiral na lockdown protocols.
Sa ngayon, nakapagtala na ang Muntinlupa City Health Office ng 129 confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod, 18 deaths at 19 recovered cases.