Gitgitan pa rin sa unang puwesto o statistically tied sina Senadora Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ito’y sa pinakabagong mobile survey ng Social Weather Stations o SWS at ng Bilang Pilipino ng TV5.
Nakakuha ng 34 percent si Poe habang 31 percent naman ang nakuha ni Duterte na may margin of error na plus – minus 4.
Tabla naman sa 17 percent ranking sina Vice President Jejomar Binay at Secretary Mar Roxas habang 1 percent naman ang nakuha ni Senadora Miriam Defensor Santiago.
Ginawa ang survey noong Marso 30 na binubuo ng 733 validated voter respondents sa buong bansa.
By Jaymark Dagala