Tabla sina Senador Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinakabagong pre-election survey ng Pulse Asia.
Sa naturang survey, nakakuha si Poe ng 26 percent habang 25 percent ang kay Duterte.
Sinundan ito nina Vice President Jejomar Binay (22 percent) at Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas (20 percent).
Nananatili namang kulelat si Senador Miriam Defensor Santiago na nakapagtala ng 3 percent.
Isinagawa ang survey mula March 8 hanggang 13 sa may 4,000 respondents.
VP
‘Statistically tie’ naman sa vice-presidential race sina Senators Bongbong Marcos at Francis Escudero.
Sa pinakahuling Pulse Asia survey, nakakuha ng 25% si Marcos habang 24% naman kay Escudero.
Habang 20% ang nasungkit ni Congresswoman Leni Robredo na sinundan ni Senator Alan Peter Cayetano na nakakuha ng 13%.
Nakabuntot naman si Senator Antonio Trillanes IV na mayroong 6% habang 5% ang nakuha ni Senator Gregorio Honasan.
Matatandaang nagtabla rin sina Marcos at Escudero sa nakaraang survey ng Pulse Asia na mayroong 2,600 respondents.
By Meann Tanbio | Jelbert Perdez