Nanguna si Senator Grace Poe sa hanay ng mga presidentiables sa latest Magdalo survey habang si Senator Bongbong Marcos naman ang una sa hanay ng mga vice-presidentiables.
Sa naturang survey, nakakuha si Poe ng 29.9 percent, na sinundan naman ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakakuha ng 26.6 percent na statistically tie ng pumangatlong si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 25.5 percent, pumang-apat si LP standard bearer Mar Roxas-14 percent at pang-lima si Senator Miriam Santiago-3.3 percent.
Matatandaang sa mga nakalipas na Magdalo survey ay bahagyang bumaba ang ratings ni Senator Poe dahil sa pag-aakala ng publiko na disqualified na ang senadora.
Samantala, sa hanay ng vice presidentiables umabante si Senator Bongbong Marcos na nakakuha ng 28 percent, pumangalawa si Senator Chiz Escudero-26 percent, pangatlo si Senator Alan Peter Cayetano-16.1 percent, sinundan ni Congresswoman Leni Robredo-14.3 percent, pang-lima si Senator Antonio Trillanes na nakakuha ng 8.4 percent, at 5 percent naman ang kay Senator Gringo Honasan.
Isinagawa ang survey mula February 3-5, isang linggo bago ang pagsisimula ng kampanya sa mga tatakbo sa national position.
Details from: Cely Bueno (Patrol 19)