Dikit sina Sen. Grace Poe, Vice President Jejomar Binay, at dating Interior Secretary Mar Roxas sa pinakahuling presidential survey ng Social Weather Stations o SWS at Businessworld.
Sa survey na isinagawa noong Setyembre 2 hanggang 5, tinanong ang 1,200 respondents kung sino ang gusto nilang iboto sa eleksiyon mula 12 kandidato na nasa listahan.
Nakakuha si Poe ng 26%, 24% naman kay Binay, at 20% kay Roxas.
Sa nasabing pick-12 survey, nakasungkit naman si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng 11% habang 4% naman ang nakuha ni Sen. Bongbong Marcos.
Matatandaang maraming pumalag sa pick-3 survey ng SWS kamakailan kung saan lumundag ng 18 porsiyento si Roxas habang tila napako si Binay sa 35%.
By: Jelbert Perdez