Bukas si Senator Grace Poe na makipag-usap kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.
Ayon kay Poe, bilang magkaibigan ay papayag siyang muling makipag-meeting sa pambato ng Liberal sa darating na eleksyon.
Huli aniyang nakausap si Roxas noong mag-meeting sila kasama si Pangulong Benigno Aquino III.
Una nang sinabi ni Roxas na handa niyang suyuin si Poe para makatandem nya sa darating na eleksyon.
Ngunit sinabi ni Poe na tanging sa media niya lamang naririnig ang naturang alok.
By Rianne Briones | Cely Bueno (Patrol 19)