Ibinasura ni Senador Grace Poe ang mga panukalang mag-inhibit ito sa muling imbestigasyon ng Mamasapano encounter.
Tiniyak ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, Spokesman ni Poe na magiging patas ang senador na ginawa naman nito noong sinimulan ang imbestigasyon sa usapin noong isang taon.
Ayon kay Gatchalian, nirerespeto nila ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano na mag-inhbit si Poe sa usapin bagamat hindi naman aniya uubrang ipaubaya ng senador sa kanyang vice chair sa Senate Committee on Public Order ang trabaho kaugnay sa reopening ng kaso.
Si Senador Gregorio Honasan na kandidato sa pagka-bise presidente ang Vice Chair ng nasabing komite.
By Judith Larino