Ipinabatid sa DWIZ ni Senador Francis “Chiz” Escudero na posibleng sa Huwebes o kaya’y sa Biyernes sila maghain ng kandidatura ni Senador Grace Poe.
“Huwebes yata o Biyernes dahil hindi pa naman talaga nafa-finalize ng COMELEC ang schedule, na ipinapanukala ng iba’t ibang kandidato, kailangan yatang ipagbigay alam sa kanila para ika nga ma-traffic nila ang mga kandidato.” Pahayag ni Escudero.
Samantala, tuloy na tuloy na din umano ang pagtakbo ni Senador Gringo Honasan bilang running mate ni Vice President Jejomar Binay.
Sa ulat ng Philippine Daily Inquirer, sabay na maghahain ng COC sina Honasan at Binay ngayong alas-8:00 ng umaga sa COMELEC sa Intramuros, Maynila.
Sinasabing noong isang linggo pa umano ay done deal na ang tambalang BINGO.
By Meann Tanbio | Kasangga Mo Ang Langit