Matapang na haharapin ni Senadora Grace Poe ang kaliwa’t kanang smear campaign na ibinabato laban sa kaniya.
Kasunod ito ng reklamong ipinagharap laban sa Senadora sa Senate Electoral Tribunal kung saan, kinukuwesyon nito ang kaniyang citizenship.
Ayon kay Poe, lumang tugtugin na ang reklamong ipinagharap laban sa kaniya ng dating senatorial candidate ng ang Kapatiran Party na si Lito David.
Kasunod nito, nanindigan si Senadora Poe na isa siyang Pilipino at sinunod niya ang mga kuwalipikasyon para tumakbo sa isang pampublikong posisyon.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)