Hinamon ng isang kilalang political analyst si Senator Grace Poe na ilatag na ang kanyang mga plataporma kasunod na rin ng pangunguna nito sa pinakahuling survey ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS) sa pagka-Pangulo sa 2016 elections.
Ayon kay Professor Antonio Contreras ng De La Salle University, dapat palawakin na ng mga posibleng kumandidatong Presidente na sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senador Poe ang kanilang agenda.
Lumilitaw na si Vice President Jejomar Binay lang ang tanging kandidatong presidente sa 2016 na meron nang solidong plataporma de gobyerno.
Dapat aniyang gumawa si Binay ng bagong istratehiya para mabawi ang kanyang popularidad sa rating.
Naniniwala din si Contreras na nagkaroon ng simpatya ang maraming tao kay Poe kaya nanguna siya sa survey ng dalawang polling firm.
By Mariboy Ysibido