Naniniwala si Senate President Franklin Drilon na si Senadora Grace Poe ang pinakamabigat na makakalaban ni Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas sa 2016 Presidential elections at hindi si Vice President Jejomar Binay.
Giit ni Drilon, kung titignan ang mga survey ay kitang-kita aniya ang pagtaas ng ratings nina Poe at Roxas samantalang patuloy naman sa pagbagsak ang kay Binay.
Dahil dito, kumpiyansa si Drilon na magpapatuloy pa ang pagbaba ng ratings ni Binay na ikakatalo nito.
By Ralph Obina