Sinampahan na rin ng kasong paglabag sa omnibus election code sa Commission on Elections (COMELEC) si Senator Grace Poe
Una nang inireklamo si Poe ng talunang senatoriable na si Rizalito David sa Senate Electoral Tribunal (SET).
Sa panibagong reklamong inihain ni David, nagkaroon umano ng pagkakamali o misrepresented facts nang ideklara ni Poe na siya ay isang Filipino citizen sa kanyang certificate of candidacy nang tumakbong senador noong 2013 gayong siya ay isang fondling dahil hindi nito kilala ang kanyang biological parents.
Balewala aniya ang ginawa ni Poe na re-acquire sa kanyang Filipino citizenship noong July 2006 matapos na maging American citizen noong October 2001.
Hindi aniya maaring mag apply ng re-acquisition ng kanyang Filipino citizenship ang isang hindi natural born Filipino.
Bukod dito sa naturang reklamo, plano pa ni David na maghain ng kaparehong kaso sa lower court.
By Rianne Briones