Pinanindigan ni Atty. Romulo Macalintal ang posisyong mahihirapan si Senador Grace Poe sa pagtugon sa desisyon ng Second Division ng Commission on Elections (COMELEC) na nag-disqualify rito sa 2016 presidential elections.
Ayon kay Macalintal, dapat makuha ni Poe ang kabuuang apat na boto kapag iniakyat na sa En Banc ang apela nito sa pagkaka-disqualify sa kaniya bilang presidential candidate.
Sinabi ni Macalintal na magkaka-problema rin kapag hindi napaboran si Poe ng First Division kung saan may nakabinbin ding disqualification case laban sa senadora.
“Problema niyan kung sakaling biglang lumabas ang desisyon ng First Division at halos pareho lamang ng maging desisyon ng Second Division, magiging moot and academic na yung akyat niya sa doon sa COMELEC En Banc, kahit isa lang, pero kung isa lang ang makuha halimbawa doon sa En Banc ay delikado doon sa First Division, ibig sabihin mababago dahil sa kung sa iisa lamang ang boboto sa kanya sa En Banc, sa kalaban niya, ang ibig sabihin ay sa First Division, merong 2 doon na boboto in favor of Grace Poe.” Paliwanang ni Macalintal.
By Judith Larino | Karambola