May pag-asa pa si Senadora Grace Poe sa pagtakbo sa 2016 elections.
Inihayag ito sa DWIZ ni Atty. Romulo Macalintal, isang kilalang election lawyer sa harap ng sinasabing hindi umano kwalipikadong tumakbo si Poe bilang Pangulo o Bise Presidente sa halalan sa 2016 dahil sa isyu ng residency requirement.
Ipinaliwanag ni Macalintal na depende kasi ito sa isinagawang computation.
Ayon kay Macalintal, kung pagbabasehan ang petsa kung kailan inihain ni Poe ang kanyang certificate of candidacy for senator noong October 2012, lumalabas na 10 taon at isang buwan ng naninirahan sa bansa si Poe.
“Kung yung October 2012 ang basehan nung 6 years 6 months, ang mangyayari niyan eh, from October 2012 to May 2016, that would be an additional 3 years and 7 months na kung i-aadd mo sa 6 years and 6 months, lalabas na 10 years and 1 month siyang resident from the filing of her COC noong 2013.” Ani Macalintal.
By Meann Tanbio | Kasangga Mo Ang Langit