Umapela si Senadora Grace Poe sa PhilHealth at sa samahan ng mga ospital na magkaroon ng kompromiso hingiil sa pagresolba sa mga claims o reimbursement ng mga ospital sa bansa.
Ayon sa senadora, hindi dapat gumawa ng ‘sweeping mechanism’ ang ahensya na magpapatagal sa pagbabayad nito sa mga obligasyon sa mga ospital.
Dagdag pa ni Poe na nararapat lamang na alam ng PhilHealth ang trabaho nito at hindi gawing dahilan ang katiwalian ng ilang ospital para idamay ang ibang pagamutan.
Magugunitang naglabas ng kautusan ang PhilHealth na nagpapatigil pansamantala sa pagbabayad ng claims ng kailangan pang imbestigahan para hindi anila masayang ang pondo ng ahensya sa mga ‘fraudulent claims.’
Sa huli, sinabi nito na nanganganib na ang kanilang serbisyo at ang kakayanan nilang magbayad sa mga medical frontliners sa bansa.