Labis na ikinatuwa ni Senador Grace Poe ang pahayag ng Pangulong Noynoy Aquino na dapat siyang bigyan ng pagkakataong tumakbo sa 2016 Presidential elections sa kabila nang kinukuwestyong citizenship niya.
Sinabi ni Poe na ipinakita ng Pangulo na higit sa kulay ng pulitika ay mahalagang ma protektahan ang integridad ng isang malaya, patas at demokratikong halalan.
Ito ayon kay Poe ay kaya’t patuloy na tinatamasa ni PNoy ang mataas na approval rating.
Tiwala si Poe na hanggang sa huling araw ng panunungkulan ng Pangulo ay patuloy na sisikapin nitong maisulong ang kagustuhan ng taumbayan.
By Judith Larino