Nagkaroon ng pag-asa ang kampo ni Senator Grace Poe sa naging pahayag ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno tungkol sa mga foundlings.
Ayon kay Sereno, sa oras na panigan ng Korte Suprema ang imposibleng requirement sa isang foundling para mapatunayan ang kanyang katauhan, ang kalalabasan nito ay maaaring pagdusahan ng mga susunod pang henerasyon ng mga foundlings.
Aniya, imposibleng kondisyon ang hingin sa isang foundling na hanapin ang kanyang mga tunay na magulang para patunayan ang kanyang pagiging mamamayang Pilipino.
Sa oras aniyang panigan ito ng Korte Suprema ay lalabag ito sa presumption ng Philippine Adoption Law na nagsasabing ang isang foundling ay isang Pilipino.
Dapat aniyang maging maingat na huwag mabalewala ang sitwasyon ng iba pang foundlings dahil maaring magdulot ng unintended consequence ang kanilang desisyon.
By Rianne Briones