Naging emosyonal at napaiyak si Senator Grace Poe sa harap ng mga tao sa Laguna nang tanungin hinggil sa disqualification case na kinakaharap niya sa Senate Electoral Tribunal o SET.
Gumaralgal ang boses at tumulo ang luha ng Senadora nang kuwestiyunin ang umano’y kakayahan niyang maglingkod matapos manalo sa pagka-senadora noong 2013 elections.
Sinasabing ngayong araw na ito ay magdedesisyon na ang tribunal sa naturang kaso na inihain ng isang Rizalito David.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)