Inamin ni Senator Grace Poe na nararamdaman na niya ang pressure mula sa mga mambabatas para pumayag siyang maging running mate ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa 2016 elections.
Subalit, nanindigan si Poe sa kanyang posisyon na sakaling makapagdesisyon siya, ito’y para sa mayorya ng mga Pinoy na nangangailangan ng reporma.
Sinabi rin ng Senadora na may humihimok din umano sa kanya na huwag na lang tumakbo sa Presidential elections.
Bagama’t bumubuo na siya ng kanyang plataporma, nilinaw naman ni Poe na bukas pa rin siya sa pakikipag-usap sa kampo ni Roxas.
By Jelbert Perdez