Nanguna si Senator Grace Poe sa pinakabagong survey ng Pulse Asia.
Batay sa resulta ng pulso ng bayan pre-electoral survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Enero 24 hanggang 28, nakuha ni Poe ang 30 porsyento ng 1,800 rehistradong botante na lumahok sa survey.
Sumunod kay Poe si Vice President Jejomar Binay na may 23 porsyento, administration standard bearer Mar Roxas at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na pawang nakakuha ng 20 porsyento. Habang apat na porsyento naman ang nakuha ni Senator Miriam Defensor Santiago.
Sa pagka-Bise Presidente naman, nanguna ang katambal ni Poe na si Senator Chiz Escudero na may 33 porsyento, sinundan siya ni Senator Bongbong Marcos na may 23 porsyento, Congresswoman Leni Robredo na may 18 porsyento, Senator Allan Peter Cayetano na may 14 na porsyento, Senator Gringo Honasan na nakakuha ng 5 porsyento at Senator Antonio Trillanes IV na may apat na porsyento.
Ang tanong sa survey, mula sa mga pangalang nasa listahan, sino ang iboboto mo bilang pangulo at ikalawang pangulo ng Pilipinas kung gaganapin ngayong araw ang 2016 elections.
By Jonathan Andal