Binawi ni Senador Grace Poe kay Vice President Jejomar Binay ang unang puwesto sa survey ng SWS o Social Weather Stations.
Sa SWS survey mula March 4 hanggang 7, nakakuha ng 27 percent ng boto si Poe, mataas ng 3 porsyento sa 24 percent na nakuha niya sa SWS survey noong Pebrero.
Bumagsak sa pangalawang puwesto si Binay na nakakuha ng 24 percent, mas mababa ng limang puntos sa kanyang 29 percent noong Pebrero.
Apat na puntos naman ang iniangat ng boto ni Secretary Mar Roxas na nakakuha ng 22 percent mula sa 18 percent noong Pebrero.
Samantala, bumagsak naman ng 3 puntos ang boto ni Mayor Rodrigo Duterte na may 21 percent mula sa 18 percent noong Pebrero.
Ang pre-election survey ay isinagawa sa may 1,800 respondents.
VP
Lumiliit na ang pagitan ng mga magkakatunggali para sa pagka-bise presidente sa darating na eleksyon.
Bagamat nananatili si Senador Francis Escudero sa unang puwesto, patuloy namang humahabol sina Senador Bongbong Marcos at Congresswoman Leni Robredo.
Sa March 4 to 7 survey ng Social Weather Station o SWS, nakakuha ng 28 percent si Escudero na mas mataas kumpara sa resulta ng survey noong Pebrero.
Napanatili naman ni Marcos ang kanyang 26 percent samantalang nasa 24 percent na ang botong nakuha ni Robredo.
Nasa pang-apat na puwesto pa rin si Senador Allan Peter Cayetano sa botong 11 percent samantalang nasa ika-lima si Senador Antonio Trillanes at pang-anim si Senador Gregorio Honasan.
By Len Aguirre