Napanatili ni Senador Grace Poe ang pangunguna sa pinakabagong survey ng Pulse Asia.
Sa isinagawang survey mula March 1 hanggang 6 sa may 2,600 respondents, nakakuha si Poe ng 28 percent.
Naagaw naman ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang ikalawang puwesto mula kay Vice President Jejomar Binay, kung saan ang alkalde ay nakapagtala ng 24 percent.
Tabla sa ikatlong pwesto sina Binay na may 21 percent at si administration bet Mar Roxas, 20 percent.
Samantalang si Senador Miriam Defensor-Santiago ay nakakuha lamang ng 3 porsyento.
Ang Pulse Asia survey ay isinagawa ilang araw bago ianunsyo ng Korte Suprema ang hatol nila kay senador poe upang malayang makatakbo sa 2016 presidential elections.
VP
Sa vice presidential survey naman, pantay sa unang pwesto sina Senador Francis “Chiz” Escudero at Senador Bongbong Marcos.
Base sa resulta ng survey ng Pulse asia, nakakuha ng 25 percent si Escudero, habang si Marcos ay 22 percent.
Ayon sa Pulse Asia, statistically tie sina Escudero at Marcos sa top spot dahil mayroong 1.9 percent error margin ang survey.
Nasa pangalawang puwesto naman si Liberal Party Vice Presidential bet Leni Robredo na nakapagtala ng 21 percent.
Sinundan ito nina Senador Alan Peter Cayetano (14 percent), Antonio Trillanes IV (6 percent) at Gringo Honasan (5 percent).
Senators
Dinomina naman ng mga beteranong senador ang senatorial survey ng Pulse Asia.
Nangunguna si dating senador at Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization Francis “Kiko” Pangilinan na may 53.1 percent.
Nag-aagawan naman sa ikalawa hanggang ika-apat na puwesto sina Senador Tito Sotto na nakakuha ng 48.8 percent, Senador Ping Lacson (45.1 percent) at re-electionist Senador Ralph Recto (42.5 percent).
Pasok din sa magic 12 sina dating Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri (36.5 percent), Senator Sergio “Serge” Osmeña III (36.4 percent), dating Senador Richard “Dick” Gordon (34.8 percent), dating party-list representative Risa Hontiveros (33.3 percent).
Sarangani Representative Manny Pacquiao (32.7 percent), dating Justice Secretary Leila de Lima (32.1 percent), dating TESDA Director Joel Villanueva (28 percent), Senator Teofisto “TG” Guingona III (26.3 percent), at Valenzuela City Representative Sherwin T. Gatchalian (25.6 percent).
By Meann Tanbio