Mga babaeng pulitiko ang nanguna sa pinakabagong survey ng Pulse Asia para sa 2019 senatorial election.
Batay sa Pulse Asia Survey na isinagawa noong Marso 23 hanggang 28, inokupa nina Senadora Grace Poe, Cynthia Villar, Congresswoman Pia Cayetano at Senadora Nancy Binay ang unang apat na puwesto.
Nakakuha si Poe ng 70.8 percent na sinundan naman ni Villar na may 55.6 percent at Taguig Representative Pia Cayetano na may 53.8 percent.
Sumunod naman sa ika-apat na puwesto si Senadora Binay na nakakuha ng 45.8 percent.
Samantala, nasa top 5 naman si reelectionist Senator Sonny Angara na sinundan ni Davao City Mayor Sara Duterte sa ika-anim na puwesto.
Habang pasok din sa Magic 12 sina Senate President Koko Pimentel, dating Senador Sergio Osmeña, Lito Lapid at Jinggoy Estrada, maging ang broadcaster na si Erwin Tulfo at dating PNP Chief Ronald Dela Rosa.
—-