Kung ngayon ang 2016 Presidential elections, tiyak na panalo si Senador Grace Poe.
Ito ay batay sa survey na ginawa ng Magdalo Group mula September 8 hanggang 10 nationwide sa may kabuuang 2,937 respondents.
Ginamit sa survey ang multi-stage probability sampling.
Sa tatlong scenario, number one si Poe batay sa gender at edad kahit sa senior citizens.
Sa relihiyon, si Poe rin ang gusto ng karamihan ng Roman Catholic, Born Again at Iglesia ni Cristo maliban sa Islam kung saan nanguna si Vice President Jejomar Binay.
Sa unang senaryo kung saan sampu ang magkakalaban, 31 percent ang nakuha ni Binay habang 23.4 percent ang kay Poe.
Pero kung sa Makati lang ang eleksyon, si Binay ang run-away winner sa lahat ng scenario.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)