Napanatili ni Senador Grace Poe ang pangunguna sa Boses ni Juan survey ng DWIZ.
Batay sa resulta ng Boses ni Juan hanggang nitong June 22 2015, 24 na porsyento ng mga boto ang nakuha ni Poe.
Napanatili rin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kapit sa ikalawang puwesto sa botong 22 percent kalapit ang nasa ikatlong puwesto na si Vice President Jejomar Binay na mayroong 20 porsyentong boto.
Nasa malayong ika-apat na puwesto si Senador Miriam Santiago na may 7.37 percent at DILG Secretary Mar Roxas na may 6.68 percent.
Sa Vice Presidential race, si Poe pa rin ang namamayagpag sa botong 40 percent.
Nasa malayong ikalawa lamang si Senador Francis Escudero na may 10 percent ng mga boto at Duterte na may mahigit sa 9 na porsyentong boto.
Ang nauna nang nagpahayag ng intensyong tumakbo bilang Vice President na si Senador Antonio Trillanes ay mayroon lamang 2 porsyentong boto.
By Len Aguirre
https://www.dwiz882am.com/index.php/boses-ni-juan-2016-survey-result/