Napanatili ni Senadora Grace Poe ang pangunguna nito sa mga tumatakbo sa pagkapangulo.
Batay sa pinakabagong presidential survey ng Pulse Asia na kinumisyon ng ABS-CBN, lumayo na ang agwat sa pagitan ni Poe at ng pumapangalawang si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Nakuha ni Poe ang 28 percent sa March 15 to 20 survey na isinagawa sa may 4,000 rehistradong botante mula sa dating 26 percent.
Si Duterte naman na dating may 25 percent ay bumaba sa 24 percent.
Pumangatlo naman sa presidential survey si Vice President Jejomar Binay na may 23 percent habang nagkasya na lamang sa 19 percent si LP standard bearer Mar Roxas.
Si Senadora Miriam Defensor Santiago naman ay nakakuha ng 2 percent.
Sinasabing ang pag-angat sa survey ni Poe ay kasunod ng naging paborableng desisyon ng Korte Suprema sa senadora kung saan ay pinayagan itong tumakbo ngayong halalan.
VP
Mainit ang laban sa pagitan nina Senador Francis Chiz Escudero at Senador Bongbong Marcos na tabla sa 25 percent.
Nasa ikalawang pwesto naman si Camarines Sur Representative Leni Robredo na may 21 percent habang 14 percent naman ang nakuha ni Senador Alan Peter Cayetano.
Nasa huli naman ng survey sina Senador Gringo Honasan na may 5 percent at Senador Antonio Trillanes IV na may 4 percent.
By Ralph Obina