Tinatayang nasa 8.8 tonelada na ang mga campaign materials na nababaklas ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa iba’t ibang panig ng kalakhang Maynila.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni MMDA Metro Parkway Clearing Group Chief Francis Martinez na karamihan sa mga election paraphernalia na ito ay ido-donate o ibibigay sa ilang organisasyon para mapakinabangan.
Pagsisiwalat ni Martinez, si Senator Grace Poe ang may pinakamaraming illegal posters na nasamsam sa kanilang “Oplan Baklas” habang sa mga kumakandidato naman sa pagka-senador ay si dating Justice Secretary Leila de Lima.
Nais naman ng MMDA na magtalaga ng mga tauhan tuwing gabi dahil madalas ay gabi o hatinggabi ikinakabit ang mga campaign materials sa mga bawal na lugar.
“Ang tao po namin ay hanggang 5 o’clock lang kung magpapa-extend kami, mas maganda po sana kung meron kami sa gabi atleast maiwasan yung pagdidikit sa mga hindi political poster area.” Pahayag ni Martinez.
By Jelbert Perdez | Balitang Todong Lakas