Aminado si Iloilo Representative Niel Tupas Jr. na nangungunang choice ng Liberal Party si Senador Grace Poe para maging running mate ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa 2016 elections.
Gayunman, sinabi sa DWIZ ni Tupas na ipapaubaya na lamang nila kay Roxas kung sino ang gusto nitong maka-tandem sa halalan.
“Makaka-suggest siguro ‘yung partido kasi may national executive committee naman ang Liberal Party, pero ako personal, at tingin ko parang consensus na rin namin, although hindi pa kami nakakapag-usap ng pormal na we will give Secretary Mar Roxas a free hand para sa pagpili ng kanyang Vice Presidential running mate.” Ani Tupas.
Samantala, ipinabatid ni Tupas na hindi pa naman pinal ang lumabas na ulat na plano umano siyang ilagay sa Department of Justice (DOJ) sakaling tumakbo sa pagka-senador si Secretary Leila de Lima.
“Maraming tsismis pero nothing is final, ako naman ay nag-coconcentrate lang tayo dito sa atin sa Kongreso dahil ngayon in the last few days, konting-konti baka pagdating ng mga October, naku baka yung quorum namin eh problema na namin.” Paliwanag ni Tupas.
By Meann Tanbio | Kasangga Mo Ang Langit