Magiging positibo sa ekonomiya ng bansa sakaling maging Pangulo ng bansa sinuman kina Senador Grace Poe o Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.
Gayunman, ayon sa Washington based IIF o Institute of International Finance, hindi maipagpapatuloy ang mga repormang sinimulan ng Aquino administration kung si Vice President Jejomar Binay ang susunod na Pangulo ng bansa.
Binigyang diin ng IIF sa kanilang report na magiging malaking hamon sa economic transformation ng Pilipinas ang 2016 elections.
Sinabi ng IIF na papabor kay Roxas ang pagtaas ng infrastructure investment bago ang eleksyon subalit posibleng wait and see attitude ang paiiralin ng mga negosyante.
Nakikita ng IIF ang pagpapalakas ng government spending dahil sa eleksyon sa susunod na taon.
By Judith Larino