Pinayuhan ni Senador Chiz Escudero ang kaibigang si Senadora Grace Poe na maging handa na sa mga dagdag na atake at kontrobersyang ipupukol laban sa kaniya.
Ito’y makaraang maungusan na ng senadora si Vice President Jejomar Binay sa pinakabagong survey na ipinalabas ng Pulse Asia.
Ayon kay Escudero, hindi pa man aniya nangunguna si Poe sa mga survey, sinampolan na agad ito ng usapin hinggil sa kaniyang citizenship at residency.
Gayunman, umaasa si Escudero na hanggang sa dalawang usapin na lamang iikot ang mga ibinabato sa kaibigang senador dahil mabilis aniya itong masasagot lalo’t mababaw at walang basehan ang usapin.
By Jaymark Dagala