Dapat madaliin ng Philippine Health Insurance Corp., (PhilHealth) ang pagbabayad sa mga public at private hospital.
Ito ang iginiit ni Sen. Grace Poe, na kailangan nang magbayad ng Philhealth dahil ang mga medical frontliners ang magtatawid sa bansa ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Poe, kailangan matugunan ng Philhealth ang lahat ng hospital claims na hindi nabayaran.
Hiniling nito sa Philhealth na isantabi muna ang hindi kailangang pamamaraan o proseso na makakapinsala sa kakayanan ng institution para magawa ang kaniang responsibilidad at tungkulin lalo na ngayong pandemya.
Sinabi pa ni Poe na hindi katanggap-tanggap ang rason ng Philhealth kung saan hindi nito nabayaran ang mga medisina at paggamot na kailangan ng ospital para sa mga pasyente.
Bukod dito, nagpahayag ng pagkadismaya ang opisyal dahil sa mga problemang hindi pa nareresolba ng Philhealth sa kanilang obligasyon sa mga ospital.