Nilinaw ni Senador Antonio Trillanes na hindi lamang siya ang pumili kay Senator Grace Poe para iendorso sa pagka-Presidente sa susunod na taon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Trillanes na kabilang sa mga pumili ay ang mga pangulo ng bawat chapter ng grupong Magdalo.
Ayon kay Trillanes, ilan sa mga pinagpilian ay sina Mar Roxas, Poe, at Davao City Mayor Rodrigo Duterte kung saan ang senadora ang pinili ng mas nakararaming chapter presidents ng kanilang partido.
“Nagbigay po kami ng criteria doon sa mga chapter presidents po namin all over the country, nandiyan nap o yung character, yung kakayahan, yung vision, then kung siya ay kumakatawan nung aspirations at ideals ng grupo.” Pahayag ni Trillanes.
By Jelbert Perdez | Kasangga Mo Ang Langit